Napaisip Ulit (Runner)
Laging bigo
Laging sawi sa pag-ibig
Minamalas o kay saket
May balat nga ba ako sa pwet
Mabuti pa ang tindera sa kanto
Nakakainggit TL ang sweet nila ng kanilang nobyo
Gusto ko lang sanang maranasang umibig
Tamaan ng kupido
Gusto ko lang maranasan ang langit
Tumibok muli ang puso ko
Tumatakbo ang oras
Naiiwan na ako ng panahon
Di na nagbago bawat araw pare-pareho
Parang kahapon
Tumatakbo ang oras...
May birthday cake ka nga
Wala namang kandila
May Krismas tri na malupet
Wala namang pansabit
Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Ayoko sanang tumandang nagiisa
Tatanggapin nalang ba ang malupit na tadhana
O kaya'y
Tatanggapin na lang na ako'y
Sadyang hindi pinagpala...
Ayoko na ng drama...
Punasan na ang luha.
------------------------------------------------------------------------------
Etong taon kaya?







