Tuesday, May 31, 2005

Just a Tot

Food For...
Sa dami ng gusto ng Henyong mangyari sa loob ng maiksing panahon (Guitar God, Best Org Member, Big ****, Bling-Bling, Washboard Abs, etc.), tumatak muli sa kanya ang isang napakahalagang payo, na matagal na niyang nabaon sa Basement 10 ng kanyang kukote:

"TAKE THINGS ONE SMALL STEP, ONE DAY AT A TIME."
Matapos ang maikling pagmumuni-muni ay lumuwag na ang kanyang ulo.
Hindi dapat sumuko habang di pa dumarating ang problema.
Be Cool
Kaya't sa panahon ng krisis (bawal magkasakit) ay uupo siya sa isang tabi sandali, hihinga ng malalim, titignan ang problema, pero iisipan kaagad ng solusyon. Pag naisip na, gawin kaagad. Ayaw na niya ng post-assessment stress.
Da Enlightened 1
Galing nya no?

Tuesday, May 24, 2005

Sa Kabilang Dako

Kagagaling ko lang kanina sa Seattle's Best kasama ang Kuya Robert ko. Matagal din kaming hindi nakapagusap. Sa loob ng isa't kalahating oras marami din kaming nasilayan na isyu, problema, solusyon, pangarap. Ngunit ito siguro ang pinakamahalagang bagay na naisip ko, at inamin ko kanina:

Masyado akong makasarili.

Napakarami kong gusto, hinihingi. Nasanay akong humiyaw at magreklamo ng kaunti.
Ngunit hindi ako natutong magpasalamat ng tama, ng mabuti, ng may sinseridad.

Ika 2 na ng umaga, inaantok na ako, ngunit kinakailangan ko itong ibanggit, mangyari lang na tumatak ito sa ulo.

Katulad na lamang sa nanay ko.
Araw at gabi siyang nagpakahirap sa ibang bansa upang matustusan lamang ang pag-aaral ko.
Pera, pagkain, damit, kotse, laptop, cellphone, iPOD, paglakbay, CD, tsokolate, lahat ng hiningi ko.
Hindi siya nagkulang.

Ngunit ang magsulat ng isang mahusay na akda ng pasasalamat, hirap na hirap ako. Ang dami kong palusot. Ang dami kong ginagawang iba. Ang dami kong prayoridad. Ang daming humahadlang sa isang napakasimpleng

SALAMAT.

Bagamat nakukuha kong magpasalamat, hindi pa rin ito sapat upang ipakita ko sa kanya ang intensyon kong mahalin siya kahit 3000 milya ang agwat naming dalawa.

Sa buong buhay ko tumatanggap ako ng biyaya galing sa isang dakilang tao na tinuring ako bilang kanyang ilaw, kanyang kasiyahan, kanyang bunga, kanyang ANAK.

At tumatak sa isipan ko ang laki ng pagkukulang ko sa kanya.

Sa buhay ko ang dami kong inaasam na pangarap. Pera lang ang katapat. Mag-iipon ako. Dadagdagan na lang ng magulang ko. Magsisikap ako at ipapakita ko na mahusay ang aking marka bilang katwiran sa

Isang balikbayan box.
Isang matabang bank account.
Limang kahon ng SPAM.
Limang trak ng tsokolate.

Katapat ng isang sulat.
Katapat ng tatlong salita: I Love You
Lima kung dadagdagan mo ng Very Much.

Nasanay ako sa kanyang pagtawag bawat linggo, na babanggitin ko kung anong nangyari sa pitong araw, magpapasalamat ng automatic para sa kanyang suporta at pagmamahal, at ipapasa ang telepono sa Tita ko.
Mahigit 15 taon ang rutinang ito.

Ang mga sulat ko sa kanya at mga litratong pinadadala ko ang nagsisilbing inspirasyon upang makaraos siya sa tindi ng kanyang trabaho at sa kawalan ng pahinga. Sulat na kanyang dinudugtong upang matanaw ang buhay na hindi niya nasaksihan.

Sa pagpasok mo sa kanyang kuwarto, wala kang makikita kundi mga litrato ng kanyang anak, nakadikit sa dingding, sa kisame, sa tabi ng TV, sa itaas ng mesa, sa unan ng kama.

Larawang nagsasalaysay ng isang batang lumaking walang ama, wala sa piling ng kanyang ina, ngunit nagsipag at hindi napasama.

Sa kanyang paghiga samut-saring sakit ng katawan o allergy ang aatake sa kanya, bunga ng 12 oras ng pagupo sa opisina, sa pagpindot sa keyboard, sa pagkahilo sa pagtingin sa balance sheet at income statement ng kompanya.

At nandito ako, babad sa lamig ng aircon, sa tabi ng sigarilyo, nagatatago sa init ng araw, iniisip ang gagawin para sa susunod na gimik.

Mahal ko ang mama ko. Ngunit ang bawat pagkakamali ko ay lagi kong tinatakpan ng medalya o sertipika ng tagumpay sa eskwela. Kasabay nito ang isang bagong bilin, matapos ang konting pa-Good shot sa kanya.

Ang Tita ko.
19 taon niya akong inakay, pinalaki, pinagduunan ng pansin, tiniis, ipinagmalaki. Ngunit katapat nito ang sakit ng ulo, kunsumisyon, pagalit at pasakit sa bawat pagsagot, sa bawat reklamo, sa bawat paglapat ng kamay kong humihingi ng allowance, kahit wala na sa budget.

3 taon ko siyang tinakot at pinakaba sa bilis ng pagmamaneho ko.
2 taon siyang nanghinayan sa baba ng marka ko sa skwela.
Higit apat na taon ko siyang iniiwan ng maduming laba, at sa kanyang pagkusot, nakahiga ako sa sopa't nanonood ng CNN o MTV.
At marami pang ibang pagkukulang.

Masyadong mahaba ang listahan ng kanyang ginawa para sa kin. Tulad ng mama ko, ganoon din ang kanyang kuwento.

Oo, marami akong pagkakamali.
Ngunit sinikap ko namang maging mabuting anak.
At sa kanilang opinyon, ganoon naman ang kinalakihan ko.

NAGAALALA LANG AKO NA BAKA DUMATING ANG PANAHON NA MAWALA SILA BIGLA.

NA HINDI KO NAIPAKITA ANG AKING PASASALAMAT AT PAGTANAW NG UTANG NA LOOB.

Sa ngayon gusto ko silang hagkan, halikan at sabihan ng buong loob na mahal ko sila.
Sana marami pang pagkakataon upang mangyari ito.

WALA NAMAN KASING PERMANENTE SA BUHAY NA ITO.

Sa Pasko, magkikita na kami ni Mama.
Nais ko lang na kahit sa loob ng dalawang linggo, maipakita ko sa kanya ang tuwa, pasasalamat at saya na kanyang dinulot, at mailahad ang 19 taon na paglakad ko sa mundo. Na buong puso ko siyang tinatanggap, na hindi ko siya sinisisi na wala siya nung birthday ko, nung nadapa ako, nung grumadweyt ako.

GUSTO KONG BUMAWI. GUSTO KONG MAGPAKATAO.

AYOKONG MADALA NG POOT AT HINANAKIT.

Hindi lang siya taga-tae ng pera para sa kapritso ko.

Hindi ko sinisisi ang kapalaran kung bakit lumaki akong walang ama. Wala akong kailangang ireklamo. Ipinaglaban nila ako. Minahal nila ako.

Kailangang suklian.
Dapat.

==========================

Tanging anak lang ako, ngunit pinagkalooban ako ng maraming kaibigan at kasama.
Hindi ako lumaking salimpusa o nag-iisa.

Sa kanila rin may pagkukulang ako.

Dumating ako sa punto na ang mga taong inalayan ko ng tuwa, galit, pag agam-agam o paggalak ay naging dekorasyon lamang sa corridor ng Unibersidad. Hindi na daw ako ang dating nakilala nila. Panahon din ito na nagsarili ako upang makapagisip (?) o makatakas lang sa gulong pumalibot sa kin.

Malaking pasasalamat pa rin ako sapagkat bahagi pa rin ako ng kanilang barkada, ng kanilang katuwaan, kalokohan at kalungkutan.

Iba pala ang ganda ng matinding samahan.

Sa huling taon na to nais ko na sa bawat pagsulyap, pagbati o pagsama sa kanila ay makilala ko sila ng mabuti, makita ang ganda na nagmumula sa kanilang kalooban, at maipakita ko kung gaano kahalaga sila sa buhay ko. Hindi ko sinasabing akakayin ko ang kanilang problema, o pakikinggan ang lahat ng kanilang salita. Sapat na ang malaman nila na masaya ako sa bawat oras na magkasama kame.

Na tao din sila, na kailangan ang lahat ng ngiti, akbay, tawa na maari kong ibigay.

Na hindi ko sila ibabaon sa limot matapos ang napagdaanan.

Na pinagsisihan ko ang panahong naging palalo o apatetiko sa salita at sa kilos ko.

Na sabik akong makatabi sila sa klase, sa lib, sa SPG, o sa Starbucks.

Sana'y tanggapin nila ang munting hangad ko. Tama na ang pagtampo.

==================================

Mahaba ang listahan, kakaunting panahon ang natitira.
Ngunit kaya ko pa.

Mawawala na ang ulap.
Tapos na ang paglugmok sa isang madilim na kanto.



Pucha ang senti nito. Pasensya.

Kapritso ATBP.

Isa-isa lang
Kinakailangan ng Henyo ang mga sumumusod:

1. Electric Guitar - Fender Strat (36000), Ibanez Artcore (17500) , Gibson Les Paul (150000) o JEM Steve Vai Model (130000)

2. Amplifier - Marshall, Peavey o Fender (10000)

3. Digicam - 7.2 Mega Pixels, Quickcapture, 8x digital zoom

4. Cellphone - Sony Ericcsson K700i at the very least (10000)

5. New Wardrobe - Need I say more? (10000 +)
.
6. Travelling Pocket Money (30000 +)

7. Washboard Abs (Free)

8. Nice Butt (Free)

9. Big **** (Dati na meron)

Tang ina ang daming pangarap nitong gago na to. Hinay-hinay lang. Kahit 4th year na kelangan magrelax.

Kaso nakapunta ang Henyo sa China nung nakaraang buwan at saksi siya sa tindi ng disiplina ng mga tao at ang kanilang drive na magsakripisiyo upang makuha ang kanilang pangarap. Kakayanin to. We believe.

Solusyon
Kagagaling lang niya sa SM Fairview kanina at bumili siya ng alkansya. Ung Marlborong yosi na kalahating metro ang taas. Sa pamamagitan nito ay magkakalap siya mula sa kanyang mumunting allowance at sa dakilang gawaing tinatawag na KICKBACK. Kanyang tinatamasang magkaroon ng 100000 mula sa baryang dapat niyang ipapambili ng yosi kay manong Ken Afford. Sa kasalukuyan ay may 200 piso na ang laman nito.
Natutuwa siya sapagkat ito ang kanyang unang pagsabak sa pag-iipon.

Weekend movie?
Pass.

Dinner and Inuman?
Pass.

Badminton?
KJ na kung KJ. Pass.

Bi-weekly update ng CD collection?
Pass.

UNO Magazine?
No Pass.

Social Life?
No Pass. Dyari Lang.

Reverse Psychology
Ngayon lang tumatak sa isip ng Henyo kung kanyang tinipid ang kanyang barya simula pa nung unang taon sa kolehiyo ay nakabili na siya ng iPOD 40 Gig o segunda manong 1988 lancer. Kaso may sinusuportahang pamilya rin ang mga cigarette vendor. On the bright side, inalay ng Henyo ang kanyang baga upang makaraos sila sa hirap ng buhay.

4th year ka na!
Nais ng Henyong grumadweyt dala ang tagumpay ng pag tigil ng yosi, pagtanggal ng 40 pounds of jiggly fat, dean's list, big ****, AJMA writer, ACTM project head, at Jimi Hendrix prodigy. Da clock is ticking.

Crush
May bago. Kaya nga magpapakaactive e. Para productive.

Neighbor
Sa pagkakataong ito nais ng Henyong magpasalamat sa tumulong sa kanyang buksan ang kanyang pintuan sa balkonahe na di gamit ang baril ni Manong Guard. Bring on da pressure sa website.

Brgy. Tanga
Habang isinasagawa ng Henyo ang Pulitzer-prize winning article na ito ay bigla na lang nagbrownout. Binalita sa kanya ng kanyang loving and dear Tante na may traysikel na bumangga sa poste ng kuryente sa lugawan sa kanto. Argh ang init dito. Carry on.

Init
1,232,444,564 beses nang nirereklamo to. Punta kaya siya sa Pakistan?

Thursday, May 12, 2005

On A Personal Note

Some other guy on my network of blogs started to get sentimental. So count me in.

Old Demons
While away for a month, I believe I had the time to think things over and finally bury them all in the past. Going to a place where nothing reminds you of the mistakes one has done in the past did its job, as yes, I came back, replenished, rejuvenated, and maybe ready to start over again.

In fact I shut down a lot of things, I was surprised that some things have quite changed since I came back. There was the blistering heat, for starters, as though I never lived in this country before. Then there was the lousy traffic. When I started to drive again, I was wondering why the car had such a poor suspension, as I was shaking around. Then I began to see the usual cracked and potholed asphalt that makes our roads.

And everybody's pissed off at GMA and the rising oil prices.

And the aircon at home has flunked out.

I felt like I had forgotten a lot of things that I had lived with for 19 years. Indeed, going to a foreign land can make you oblivious of the filth that lines up Metro Manila.

Before I left, I told myself the following things:

When I come back -
I'd have a clearer state of mind (Check)
I won't be tormented anymore by bad dreams of debt, rejection, or untapped opportunities (Check)
I would have lost 10-15 pounds (Uncheck). Thanks to the 11-course Chinese dinner!
I won't smoke anymore (In progress)

Well at least that's 2 out of 4.

Looking back, I felt I was able to regain my smile again. A happy smile that marked me before the start of 3rd year.

I feel so far from the me 6 months ago, when I was down smuck, alone in my condo, contemplating whether my happiness was for show.

I actually was surprised that I went through all of that.

One is Silver
I found new friends while I was away. I hope we could all be back for the next tour.
Just came back from KTVing with them. Great to see them all again.
Man we shared so much in one month; it was so hard to let go.

I am finally taking the initiative to head a project for ORSEM: Looks like its bound to be a very busy year, hopefully a fun one with a whole new set of people to work with.

The other, Gold
Finally nice to see my friends again, friends who have stuck with me for 4 or more years.
It's amazing how we've managed to stick together, happy in each other's company, stressed at each other's laptops, sad at each other's failures, and a whole load of experiences. What changed?

Somebody always texts "God Bless" now.
May she get through.

Somebody got involved in theater.
She still has an effect on me.
Maybe its milder now.

One's an AVP.
He got wasted too.

A few are now involved in the big U.

One finds out that the marketing plans we made before were too crappy.

Some W.A.F. ( hehe!) failed to bring a camera.
I'm glad that she's doing what she loves to do, though.

One's my neighbor.
We still have to work on our noise emission rights.

One's got an iPOD mini.
Haven't seen his other half, though

One got his hair curly.

UandMe is still tight, yet I guess someone in particular will choose to stay away from the group.
Well, some people have stayed pretty much the same...and that's good for now, I think.

Yeah, its our last year in the Utopia we've called our 2nd home.

Wow, so different from what we were a few years ago.
Yeah, all of us are making plans now.
Hopefully not family for me at first.

Will we see each other this year? Hopefully, maybe the random numbers will get through.
Will we be together after Utopia?
Will it go on?
Questions one can never answer.
Maybe in the heat of the moment we promise ourselves that we will always be together for each other.
That we'll always keep in touch.
But heat must give way to cold.
Do I see it fading away in the end?

Just hope that reunions coincide with happy moments, hopefully not at each other's funerals.
I'm optimistic that we won't make that happen.

Plans
I might be setting aside marketing plans in favor of getting a minor in finance. Yeah, that's most probably the way I'll be going.
I'll take up advanced multimedia and digital photography.
I have to market for every major ACTM project. Training indeed.
I'm excited about the AJMA website!
I won't finish my minor by graduation. I still want time to watch every Ateneo UAAP game this year.
I'll start jogging intensively by June.
I'm still earning for an electric guitar.
I'm enthusiastic about life.

I'm different from who I was exactly a year ago.
I've walked on.

Playlist
U2 has been currently ruling. I love the edge. They rule.
Others would include Coldplay, Jimi, Nirvana, Dishwalla, etc.

It's been a really good start for this year.



Henyo.Gago returns on the next post with more pics.

Tuesday, May 03, 2005

China Tour 2005: Beijing Part I

Cheers!! Nagbalik na uli ang Henyo mula sa isang buwang paglalakbay!! Nasa post-euphoria stage pa siya, kaya mga litrato muna ang nais niyang ipagkaloob sa masang gutom na para sa mga post niya!! Mga troops!! Kamusta kayo? Di pa naman nagiging komunista ang Henyo, pero Tang Ina, ang init dito!! Peace Out!!




P.S. Una palang ito sa mga susunod na posts tungkol sa pagtahak ng Henyo ng isang buong buwan sa China. Sa kanyang huling handcount (uso pa kasi yun dito sa Pilipinas) ay mayroon pa siyang 5677 na larawan!! Antabayanan ang Hong Kong, Shen Zhen and Beijing Parts II-V!! Magsawa kayo!!


About to land in Beijing. The roads are so darn wide that even airplanes can land on them! I have reason to believe that even if it was a city, Beijing is as big as Batangas!!



It was very hot inside the Beijing Capital International Airport. Started to believe that the 5 degree-cold weather reported on the news was a flap. Bullshit! Pero paglabas ng airport parang isang malakas na sampal ang tindi ng lamig!! Di kinaya ng yosi!!


Pagkarating, deretso bar kaagad! With THE DEAN and James, our Beijing Coordinator.



At the cultural show on opening dinner in Beijing: Kahit anong posisyon pwede!



Freezing Cold and Strong Wind as we stepped on Tiananmen Square, the entrance to the Forbidden City.


The Chinese Flag: Radiant and Revolutionary.




At the Ruins of the Old Summer Palace. Yosi Break muna, anlaki ng lugar!!



Great Wall Ladies and Gentlemen!!


Had to climb from the foot of the mountain, going across 8 towers, nothing short of steep and dangerous! But the view from the top is mega spectacular!!


Rock on the Rock!! Tumutugtog ang "Satellite" ng DMB nang nakadating na ang Henyo sa Tuktok!!


Kung Fu Posing At The Great Wall!


A very sunny day at Peking University. The lake behind is part of the Old Summer Palace. Sunny, pero ang tindi ng lamig!!


Staring at Ancient Army Figurines dating back to the Tang Dynasty, The Glory Age of Chinese Civilization.


Spring is in full bloom as these flowers are starting to show up!!


At the Communist Party Academy. Looks Very Much Like Boston University.


Pasan Ko Ang Mundo: At the Ancient Observatory.



Chinese Dinner Packed with 11 Course Meals, Loads of Tea and Lotsa Beer! Beer Happens to be Cheaper than Mineral Water In Beijing!!


The University Of International Business and Economics, 10 Huixin Dongjie, Beijing, Where we stayed at for 3 weeks!


Inuman Na!! Yan Jing Beer and its different variants, the official Beer of China!!


Mga Buddha at the Sunday Market.


Temple of Heaven, Beijing.


Eating Some Crunchy Scorpion!!


Shing Hai Fong Lai!!


Royal Familia!

Next Post Soon!! Saya no?