Update
Pilay
Napilayan ako nung Friday habang tumatakbo. Sa sobrang sarap ng paghinga ng mabuti at sa mistulang paglipad ng aking mga binti, hindi ko namalayan.
May malaking bato.
Natapakan ko.
Natapilok.
Nagmukhang tanga sa harap ng isang mamang nakaupo sa daan.
Sa may blue eagle gym nga pala to.
Matapos lumaki na parang kamatis ang sakong ko, nakuha ko pang maglakad ng matino paakyat ng overpass pabalik ng condo. Adrenaline na lang ata ang nagpakilos sa kin dun.
Pansamantalang magreretiro muna ang Henyo at mag aab-workout na lang muna siya.
=====================
Job Fair
Nagtest nga pala ako sa P&G nung Friday. Tangna, madali lang mga pre, di kinakailangang katakutan. Ang bilis lang ng oras. 3 reading comprehension sections at 3 quantitative na panay ratio and percentage analysis. Maraming natakot kasi sabi pag bumagsak ka sa test, 2 taon kang di-pwede mag-apply sa P&G.
Sa tingin ko, dapat lang. Kasi ang laki mo namang tanga kung di mo kayang ikompyut kung ano ang 36% ng 150. Multiple choice pa.
Nakakakaba lang ung master application form na binigay nila kasi ang daming tinatanong kung anong mga honors or leadership positions daw ung ginawa ko sa kolehiyo. E panay pasas ako e, bahala na. Kung di para sakin, hindi para sa kin.
Sana malaman ng P&G na isang buong sem akong nagpakahasa sa kaalaman ukol sa ari ng babae para lang makagawa ng isang marketing plan para sa Whisper Feminine Wipes. "Elegance in White."
Jari Lang.
Kaya may back-up: Unilever, J&J, Accenture (Test ko sa March Pa), Convergys (Call Center; wag sana), Glaxo Smithkline (kahit walang alam sa gamot), Toyota, Ayala, Maybank, watever.
Halos 20 na resume ang ginawa ko. Parang 3 araw lang bago yan, jogging at Incubus lang ang iniisip ko. Ngayon, OJT, Trabaho, Promotion, Pamilya, 3 Anak, Pagpapaaral nila, Pampagatas kay baby, Retirement Benefits, at Memorial Plan ang iniisip ko. Mature na ba ako?
Alam ko namang di ako priority kasi di naman ako required sa practicum. Pero sana may mag magandang loob.
================
Lakbay
Sa pagtapos ng semestreng ito, tatahak ako palabas ng bansa para sa isang linggong Rest and Relaxation. Balak ko sanang pumunta sa Japan. Gusto ko sanang makita si Akagi, Rukawa, Sendo at Maki. Balak ko sanang makipag 1 on 1 sa kanila. Kaso wala pang 6 months old ang passport ko.
Tulong, saan pinakaok pumunta: Malaysia, Singapore, HK, Bangkok, o China?
Your rebounds will be greatly appreciated.
================
Yoyo
Nakalaro ka na ba ng yoyo? Mahilig kasi ung isa kong kaibigan e.
=================
Track Jacket
Nakabili ako ng 2 adidas na track jacket kahapon sa glorietta. Balak ko na kasing ipang-takbo ung itim ko e. Ayos. Isang green, isang blue. Tig -1600 lang. Ngayon, pag pumunta ako sa isang ateneo-lasalle game, wala na akong problema. Pagnananalo na ung green, magpapalit lang ako ng jacket. Vice versa. Kaibigan ko lahat. Makakasorus pa ako sa magkabilang panig.









